Friday, January 30, 2009

Ang Pagiging Magaling....


Minsan naisip ko, magaling ba talaga ako o naggagaling galingan lang? Paano ba nasusukat ang galing? Ano ba talaga ang tunay na kagalingan? Sino ba ang makakapbsabe na magaling ang isang tao? Hay... napakahirap sagutin ng tanung?

Ikaw, anu ba ang basehan mo ng kagalingan? Paanu mo masasabe ng magaling ang isang tao?

Bilang isang guro, mahirap kilalanin kung sinu ang magaling na mag-aaral sa klase mo. Akala mo dahil mataas ang mga marka nya ay magaling na sya... Hinde pala... May pagkakataon naman na hnde sapat ang kabaitan para tawagin mo ang isang mag-aaral na magaling.

Sa iba't-ibnag larangan ay may taong maaari nating tawaging magaling. Sa pagtuturo, sa pag-aaral, sa pagkukumpuni ng kahit anu, sa paggawa ng mga sirang gamit, sa pagiging lider, sa pagiging miyembro, atkung anu-ano pa.

Gusto ko lng malaman.... anu ang basehan mo ng pagiging magaling?

No comments: