Friday, April 22, 2011

Grade 5, Part 3... Pinoy Exposed!


Matagal din bago ko nasundan ang mga isinulat ko dito. Mas naging abala ako sa pagpapahinga dahil sa una, wala nang pasok sa eskwela at pangalawa dahi Mahal na Araw. Ito ang napakagandang bahagi sa buhay ng isang guro marahil, dahil kapag bakasyon ang mga estudyante, bakasyon din kaming mga guro.

Balikan natin ang kwento ko…

Kilalang mabait na teacher at maalalahaning adviser ang teacher ko sa Math. Pero kakaiba siya pagdating sa pagdisiplina ng mga estudyante niya. Usap-usapan sa school noon kung paano niya dinidisiplina ang kanyang mga mag-aaaral. Kapag wala kang assignment, kapag zero ka sa quiz kabahan ka na. Lunes, hinanap ng teacher namen ang assignment namen, bagay na nakalimutan ko dahil sa paglalaro. Kinakabahan na ako… mapaparusahan ako sa unang pagkakataon… pinalakas ko ang loob ko… hindi ako nag-iisa…

Makikita ng mga kaklase ko ang likuran ko. Pinoy EXPOSED!!! Ang napakanakahihiyang parusa para sa amin ay ang paghuhubad [pagpapakita ng pwet] nang madalian sa harap ng klase. Sa pagkakatanda ko, lima kaming magkakaklase ang naparusahan. Dalawang babae at tatlong lalake. Hindi ko alam ang gagawin ko. Siguradong mapapahiya ako sa araw na ito.

Sabe ng teacher namen, sa bilang ng tatlo sabay-sabay namen huhubarin ang shorts namen at itataas din agad [samantalang ang mga babae at itataas lang kanilang palda at panty ang makikita mo --- UNFAIR d ba??!!]. Hindi ko natandaan ang huling sinabe ng teacher namen. Nang bumilang na siya… isa… dalawa… tatlo!!! Ang mga kaklse ko binaba ng madalian ang shorts niya at itinaas agad samantalang ako naghintay pa ng hudyat sa teacher ko kung itataas na o hindi pa. Na-expose tuloy ng todo ang pwet ko… sobrang hiya ang naramdaman ko nang araw na iyon.

Naging aral sa akin ang araw na iyon, walang lumabas na usapan tungkol sa nangyare. Kabilin-bilinan sa amin ng teacher namen na walang lalabas na kwento tungkol ditto lalong-lalo na ang magbanggit ng pangalan. Nasunod naman ito, pero usap-usapan pa din siyempre sa loob ng room. Sa loob ng isang school year hindi ko na tanda kung ilan kaming lahat ang nakatanggap ng ganoong parusa. Pero dahil sa ayaw ko nang mangyare sakin ulit iyon sinikap ko na magkaroon lagi ng assignment at hnde magkaroon ng zero sa mga quiz. Laking pasalamat ko at hindi na naulit pa iyon sa akin.

Sa grade na ito naisip kong maging doctor sa simpleng rason, ang makatulong sa mga mahihirap. Libreng paggagamot, libre konsulta, kahit bayaran pa nila ako ng gulay o isda walang problema sa akin. Basta ang mahalaga doctor ako at nakakatulong sa kapwa ko. Minsan nga nasasama pa sa laro namen ang mga gusto naming maging sa buhay. At kapag nalalaman namen ng gusto ng bawat isa, medyo nahihiya pa kami. Pero sa seryosong usapan, isa lang mga balak namin… ang abutin ang mga pangarap na ito!

Sa kabila ng lahat marami ding mga magagandang bagay ang nangyare sa akin nung Grade 5 ako. Andiyan yung pagkakaroon ko ng barkadang matatalino [madala mangyare sakin to, laging napapabarkada sa mga matatalino kahit ako ay hindi – friendly nga lang talaga siguro ako]. Karamihan sa kanila ay awardee pagdating ng recognition day pero ako taga-palakpak nila. Pero hindi bali, mataas naman ang nakuha kong marka at makaka-enrol pa din naman ako sa Section 1.

Isang beses umattend ako ng elementary graduation ng ate ko. Sinabe ko sa sarili ko, sa graduation ko isa ako sa mag tatalumpati sa stage. Sinabe ko na magtatapos ako na very proud hindi lamang ako kundi pati ang mga magulang ko.

No comments: