Weekend… ang sarap sulitin ng paglalaro lalo na sa hapon, yung palubog na ang araw. Nagkataong araw ng lingo at kinabukasan ay may pasok na kaya dapat lang sulitin ang pagkakataon na iyon. Natatawa akong nag-iisip ng mga oras na iyon kung papaano ako magiging bida sa Math class namen kinabukasan. Ito na! It’s my time to shine!!!
Nang umaga ng linggong iyon ay araw ng ani kaya sakto kinahapunan ay may lugar kami ng laruan. Gabundok ang taas ng pinagtanggalan ng mga butil ng palay. “Uhot” ang tawag namen sa probinsiya. Ito yung naihiwalay na [puno o katawan] ng palay sa mga buto o bunga niya. Dahil napakarami nito at may kataasan, kaming mga kabataan sa lugar namen ay nagiging laruan ito. Hindi naman kasi uso ang playground sa amen. Talon dito, tumbling doon, magtatago sa ilalalim, o di kaya ay sasaluhin namen ito habang ibinubuga mula sa bunganga ng rice thresher [trisir – bigkas sa bisaya]. Isang bagay lang ang kalaban namen sa paglalaro nun. MAKATI siya!!! Kaya mas pinipili namen na maglaro sa hpon para pagkatapos noon ay derecho kami sa poso para maligo. Presto!! Mabango na kami pero nangangati pa din!! Hahaha!!
Sa pagod ko sa paglalaro ay maaga akong nakatulog. Tama lang dahil alas-6 ng umaga ay gigising ako para maghanda sa eskwela. Ginisng kami ng nanay ko, kailangan na daw namen mag-ayos dahil madameng tao sa poso ng umagang yun dahil araw ng lunes at karamihan ay papasok kung hindi sa eskwela ay sa trabaho.
Excited ako, pagkatapos maligo ay minadali ko nag pagkain ng breakfast para makapasok ng umaga sa skul. Pagdating ko sa eskwela, napag-alaman ko na toka na pala ng adviser namen sa flag ceremony. Ibig sabihin nito, toka na din namen para manguna sa pagbigkas ng panatang makabayan at panunumpa sa watawat. Nang itinalaga na sa amen ang mga yun eh mas pinili ko ang panunumpa sa watawat dahil mas maikli yun kaya sa isa. Minsan kasi nakakalimutan ko ang ibang linya ng panatang makabayan.
First subject: MATH…
“Okay class, bring out your assignment” ang sabe ng teacher ko. PATAY!!! Hindi ko naalala na may assignment pala!!! Nawili ako sa paglalaro nung weekend at nawala sa isip ko ang tungkol sa assignment namen. Sa lahat ng kailangang gawin bakit ito pa ang nakalimutan ko!!!?? Patay na ako talaga sa teacher ko. Ang pilit kong iniiwasang parusa ang abot-kamay ko na!!! ito ang unang beses na mapapahiya ako sa klase!!! Pagkakapahiya na hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko!!!
May karugtong pa ito….
No comments:
Post a Comment