Dumating ang Grade 4 hindi pa din ako natutong mag divide [long division]. Palaisipan pa rin sa akin kung paano nagagawa ng mga kaklase ko na pahabain ang isang simpleng computation.Kesa problimahin ko pa yun, nakinig na lang ako ng maigi sa bagong teacher ko sa Math. Pero sa kasamaang palad, wala pa din akong natutunan. Hahahaha! Buti na lang at ang effort ay binibigyan ng points, kung hindi lagi akong bokya sa mga quiz namin.
Isang araw sa Math class tinawag ng teacher ko para magsolve [long division] sa board at ipakita ang solusyon nito sa klase. Patay! Mabuti na lang at mabilis akong mag-isip sa mga ganoong pagkakataon. Dahil madalas magpalitan ng papel kapag magche-check na ng mga answers, sagot ng kaklase ko ang dala-dala ko at computation niya ang ginamit kong pansagot. Save by the bell ako. Whew! Muntik na akong mabuko ng klase. Kaya madalas malakas ang loob ko na magtaas ng kamay at sumagot sa harapan dahil matalinong kaklase ang katabi ko at madalas papel niya ng tsine-tsekan ko.
Isang nakakahiyang bagay ang nangyare sa akin nung Grade 4. Tanghaling tapat noon, kakarating ko ang galling sa bahay para sa pananghalian. Dahil maaga, naabutan naming natutuog pa ang adviser namen [pero maya maya ang nagising din ito]. Inutusan niya kaming maglinis ng klasrum. Dali dali naman namin itong sinunod. Napasya akong maglinis sa gilid ng room, nagkataon din na doon pala ang temporary C.R. ng teacher ko… Siyempre dahil sa kahihiyan patay malisya ako at hindi inalintana ang lugar at nagpatuloy ako sa paglilinis. Heto ang catch ngayon, pinagbentanagn ako ng teacher ko naninilip sa kanya!!! Nagulat ako, namutla, at hindi alam ang gagawin. Buong tapang kong itinanggi ang bentang niya. Pero ayaw niya ako paniwalaan. Napahiya ako sa mga kaklase ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nanahimik na ang ako.
Simula noon, hindi na ako pumasok ng maaga. Hindi na din ako madaas maglinis sa gilid ng room o kahit mawalis sa llob ng klasrum. Madalas ang trabaho ko bago magsimula ang klase ang sa labas ng aming klasrum. Masama ang loob ko sa teacher namen na yun, palibhasa matandang dalaga kaya napakasungit. Pero di bale na sabi ko, tota matatapos na din lang yung taon eh wag ko nang pansinin at alalahanin pa ang nangyare tota mailipata na ako sa ibang adviser.
Huling araw ng klase, announcement ng mga awardee. Umaasa ako na kahit character o most lang ay makakatanggap ako, total naman nagpakabait ako nung mga grading na yun. Pero dahil hindi mawala sa isip ng adviser ko ang insidenteng nangyare [kuno] doon sa temporary CR nya, ayun wala akong natanggap na kahit anong award. Hahahaha!Unfair!!!
Eto din ang taong madalas masakit ang ulo ko. Ang nangyare tuloy eh, papasok ako sa umaga, sasakit ang ulo sa kalagitnaan ng klase, papauwiin ako para magpahinga, pagkatapos e hindi na papasok sa hapon. Ang kaso mawawala na siya bandang alas 3 [oras ng paglalaro] ng hapon. Kaya ayun, akala tuloy ng mga kaklase ko na naabutan ako sa ugar n gaming laruan ay nakukuwari lang akong may sakit.
Isang magandang halimbawa nito ay noong may pumunta ang taga Nestle sa skul namen. Milo ang pinamimigay na drinks. Ang sabe ng teacher namen, pagkatanggap daw namen ay tatanungin kami kung ano ang masasabe namen sa inumin kaya may kinabisado na akong linya ko. “Milo, the Olympic energy drink!”.
Sa kasamaang palad sumakit na naman ang ulo ko, nasa pila pa lang ako eh hindi na ako mapakali at mapalagay sa nararamdaman ko. Pagkaabot sa akin ng Milo drink imbes na magsalita pa ako eh, bigla akong tumakbo sa gilid ng stage at nasuka! Badtrip!! Nakakahiya. Ending noon, pinauwe nan man ako sa bahay namen para magpahinga. Well, na-enjoy ko nman yung pagpapahinga na yun ng isang linggo. Hehehehe…
Kaso nga lang wala na naman akong award. Ayaw ko na mag-expect. Grade 5, enrolment… Imbes sa section 1 ay ginusto ko i-enrol ang sarili ko sa section 2…
No comments:
Post a Comment