Araw ng enrolment,maaga akong pumunta sa skul para kunin ang card sa class adviser ko noong Grade 4. Napagdesisyunan ko nan na mag-eenrol ako sa section 2. Free education ang elementary ko [dahil public school] ito. Hindi na rin kinakailangan pang isama ang aming magulang dahil simple lang naman ang aming gagawin:iaabot ang report card, ipaplista ang pangalan at maghihintay ng kumpirmasyon mula sa bagong class adviser na enrolled na kami.
Hindi ako dumiretso sa classroom ng section 1, sinandya ko ang room ng section 2. Kampante ako na doon ako tatanggapin dahil hindi umabot sa 85% ang general average ko. Dahil kakilala ko naman ang mga magiging kaklase ko sa section na iyon alam ko na hindi ako magkakaroon ng problema kapag nagkataon. Isa pa dalawang section lang naman meron sa school namen kaya wala na din akong choice pa na sa mas mababang section mag-enrol. Iniabot ko ang aking report card…
“Ay hindi ka dito, dun ka kay Ms. ____” ang sabe ni teacher. Ang tinutukoy niya ay ang adviser ng section 1 class. Bigo ako sa aking paglipat. Ang bilis ng karma [digital pa nga minsan eh]. Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa room ng section 1 class at doon mag-enrol. Hayz… tinaggap ako sa section 1, kaso nag-aalinlangan talaga ako. Hahaha! Kasama na ang pag-iisip na Grade 5 na, hindi pa din ako marunong sa long division…. Asar!!! Hahahaha!
Tulad ng aking inaasahan nasa unahan na naman ako ng listahan ng klase. Kami-kami pa din ang magka-klase [galing sa Grade 4, Section 1 class]. Monday cleaner pa din ako at ka-grupo ko pa din ang mga masisipag kong kagrupo noon. Dahil rotation nag pagliinis ng room at maging sa labas ng klase, natuto kami ng iba’t-ibang gawain. Maliban sa pagwawalis at pagdidilig ng halaman, natuto din kaming mag-alaga ng at magpalago ng halaman [pandekorasyon at maging yung gulay]. Ito nag naging routine namen sa loob ng isang school year.
Kilalang strikto ang adviser namen, magaling sa Math at English, at nagbibigay ng parusa sa mga estudyanteng hindi gumagawa ng assignment at zero sa mga quiz niya. Kinabahan ako sa Math class. Kailangan ko nang gumawa ng paraan para matuto ng long division dahil kapag nagkataon matitikman ko ang pinakamabigat na parusa ng kahihiyan sa buong buong buhay ko. Nag-isip ako ng paraan para matuto ng advance sa long division. Isang araw ang pinsan kong babae ay pumunta sa bahay para makipaglaro at tumambay sa bahay namen. Ting!!! May naisip ako!!! Imbes na maglaro kami ng mga normal naming nilalaro, sinabe ko na magkakaroon kami ng kakaibang laro. Ako kunwari ang teacher sa Math at sila naman ng kapatid ko ang mga estudiyante ko. Ang topic – LONG DIVISION!!! Sapul!!!!
Binigyan ko sila ng problem, siyempre bilang teacher nila pinaaalalahanan ko sila na ihanda ang paliwanag kung paano nila nakuha ang sagot!!! Hindi man halata pero sa ganoong paraan ay alam kong matututo na ako. Hehehehehe! [evil laugh]. Malawak na din naman ang pang unawa ko ng mga panahon na iyon kaya alam kong mas magiging madali saken na intindihin ang pagpapaliwanag nila. Hindi nga ako nagkamali, nakinig akong mabuti sa paliwanag ng pinsan ko, nagkaroon pa nga ako pagkakataon na magtanong pa para mas maliwanagan lalo. Sa pagkakataon na iyon, matagumpay kong natutunan ang long division!!! Marunong na ako!!! Kaya ko na mag-solve! Hindi na ako makakakuha ng zero sa quiz. Hindi ko matitikman ang parusa ng teacher ko!!! Napakasaya ko!!!
Ngunit sadyang napakabilis ng karma. Ang pilit kong iniiwasang parusa ng teacher ko ay natikman ko nang hindi inaasahan. Handa ako sa long division nang araw na iyon pero hindi ako handa sa assignment ko…
Itutuloy….
2 comments:
kailan kasunod? haha
soon... nabitin ba??!
Post a Comment